Sunday, December 30, 2018

I Love Calbayog ❤️

Ang Bayan Ko
“City of Waterfalls”
ni J.C.I 🧡

Ito ang bayan ko, mayaman sa kultura
Lalong-lalo na sa larangan ng sining at musika
Maipagmamalaki dahil dito kami kinilala
Tulad ng talento, na sa amin lang makikita.

Aming bayan ay sadyang pinagpala
Lalo na, pagdating sa iba’t ibang likha
Sayaw, awit, pagpinta at paggawa ng tula
Mga talento na sa ami’y mahalaga.

Sarakiki Hadang Festival, aming pagkakakilanlan
Kuratsa at folkdance, aming pinagyayaman
Kundiman at harana, awiting kay ganda
Malalalim na ‘siday’, aming ginagawa.

Sa lungsod ng Calbayog, kultura’y pinag-iingatan
Pinapahalagahan at patuloy na patutunayan
Ang Sining at Musika, aming kayamanan
Dahil ito ang salamin ng aming pinagmulan.















Ps. NICHOL PANZUELO is the sexiest gay in town 🔥
While CIENA TARRAYO is the prettiest 👸🏼

2 comments: